SABADONG MAKULIMLIM

Posted on: Apr 3, 2018

20180331_060813SABADONG MAKULIMLIM
Ni Clarence M. Batan

Walang karaniwang init
Ngayong Sabado de Gloria
Kundi lamig ng hangin
Ulap na payapa
At ambong waring
Kumakalinga.

Mahal talaga tayo ng Diyos!
Na sa kabila nang lahat –
Sa paggunita nang pagpapahirap,
Pagpako, pagkamatay,
Paglibing sa katawang
Pinahirapan – ang ipinalit
Sa atin ay lamig ng hangin
Ulap na payapa
At ambong
Kumakalinga –
Upang sa sandaling ito
Manampalataya.

***Isinulat habang dama ang malamig na hangin sa Sun Residences, Marso 31, 2018, Sabado de Gloria, 6:36 ng umagang makulimlim.

Post Archive