My UST Freedom Day

Posted on: Jun 1, 2016

Di ko graduation pero feeling ko
Grumadweyt na naman ako
Dahil ngayon araw
Bagong simula ng aking
Karera sa buhay
Matapos ang anim na taong
Balik-serbisyo sa mahal kong
Pamantasan — ang UST.
At natapos ko na rin ang
Administrative work na
Isang taong pinagsumikapan
Kong gampanan nang
Maayos.

Ngayon ay araw ng
Aking kalayaan –
Malayang damdaming di na
Nakagapos dahil kailangan lang.
Malayang sidhi ng damdaming
Maging bahagi ng institusyon
Dahil may natatamasang
Kahulugan.

Malaya na ako
Wala na ang
Kirot ng
Duda,
Hikbi ng
Panghihinayang,
Luha ng
Panghihina,
Kawalan ng
Lakas,
Kalilimliman ng
Umaga.

Dahil simula ngayon
Muling sisikat ang
Haring araw
Upang magpalakas
Sa maghapon,
Upang di palaging
Lumuha,
Upang mapuno ng
Pananabik,
At buong loob na
Maglingkod
Sa pamantasang
Aking mahal!

Malaya na akong
Liparin ang bagong
Hamon ng buhay.
Ang buhay na hamon,
May bago bang liliparing
Magpapalaya sa akin?

Patnubayan Nawa

Ako ng Poong Maykapal!

 

Post Archive