KIDAPAWAN

Posted on: Apr 4, 2016

Ni Clarence Batan

Kidapawan
Karahasan!
Nakapanghihina
Nakakalungkot
Nakakasuka
Nakakapangilabot
Dahil sa tagtuyot
Dahil sa gutom
Dahil sa bigas
Hiling na tulong
Nagsama-sama
Katutubong Pilipino
Nagbarikada
Isinigaw sa madla
Ang kalagayan ng
Kidapawan.

Bakit bala?
Bakit rahas?
Bakit, pamahalaan?
Kidapawan.

Ngayon
Sa eleksyon
Aalalahanin ko
Kidapawan.

Kikilalanin kong
Dapat nang supilin
Mga kawatan.

Kikilatisin ko ang
Daming masang
Pinahirapan.

Kikikilin ko ang isang
Dakot ng balang
Aking ipapatunaw.
Saka ko isasaing
At ihahain sa
Pamahalaan!

Bagong diskubreng
Bigas-bala
Ang pangalan —
Kidapawan!

Na sa iyong
Paglunok
Mabualan
Masulasok
Na ang huling
Salitang
Mabibigkas —
Kidapawan!

***Alay at parangal ko po sa mga kababayan, kapatid, kalahi, kababayan sa Kidapawan. – Yayet

***Abril 3, 2015; Sa Sun Residences
Di makabangon sa sama ng loob.
6:00 am

Post Archive